Abrahano bagong NCRPO chief
MANILA, Philippines — Pormal nang umupo bilang Officer-in-Charge ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si PBGen. Christopher Abrahano.
Pinalitan ni Abrahano sa puwesto si PMGen. Anthony Aberin na ganap nang nagretiro nitong Linggo kasunod ng kaniyang ika-56 na kaarawan at siyang mandatory retirement age sa mga pulis.
Pinangunagan ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr ang turn-over ceremony sa NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Bago maupo sa NCRPO, unang pinamunuan ni Abrahano ang Police Regional Office 12 (SOCCSKSARGEN). Kabilang din sa kaniyang pinamunuan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan, tinututukan nito ang kaso ng mga nawawalang sabungero.
- Latest















