^

Punto Mo

Myth busted: Mga paniniwalang matagal nang mali (Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kapag may lagnat, kailangang balutin nang makapal ang katawan para “mapawisan at palabasin ang init ng katawan”. Hindi kailangang piliting pagpawisan. Ang sobrang pagbabalot ay maaaring magdulot ng sobrang init at dehydration. Mas mahalaga ang sapat na fluids, pahinga at tamang pag-aalaga upang gumaling.

• Ang paglunok ng gum ay mapanganib dahil mananatili ito nang maraming taon sa tiyan. Hindi ito totoo. Bagama’t hindi madaling tunawin ang gum base, hindi ito nananatili sa tiyan nang maraming taon. Karaniwan itong dumadaan sa digestive tract at inilalabas ng katawan.

• Ang utak ay hindi maaaring makaramdam ng sakit dahil wala itong pain receptors. May katotohanan sa unang bahagi, ngunit misleading ang conclusion. Ang brain tissue mismo ay walang nociceptors, pero ang mga istrakturang nakapaligid ditto gaya ng meninges at blood vessels ay maaaring makaramdam ng sakit. Kaya nakakadama ng headache.

• Ang isang tao ay may eksaktong limang senses lamang. Ang “five senses” ay simplification. Bukod sa paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama, mayroon tayong iba pang sensory systems, tulad ng balance, body position (proprioception), temperature at pain.

• Ang kidlat ay hindi maaaring tumama sa parehong lugar nang dalawang beses. Mali. Maaaring paulit-ulit tamaan ng kidlat ang parehong lugar, lalo na ang matataas na istruktura. Halimbawa, ang matataas na gusali ay maaaring tamaan nang maraming beses.

(Itutuloy)

MALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with