^

PSN Showbiz

Sue, may pangako sa inang pumanaw

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sue, may pangako sa inang pumanaw
Chit at Sue Ramirez.
STAR/ File

Tumagos sa puso ng mga nakabasa ang post ni Sue Ramirez sa pagpanaw ng kanyang inang si Chit.

Kalakip ng kanyang post ang masasayang alaala ng kanilang pamilya kasama na ang kasal ng ina sa isang foreigner.

At ang pangako niya sa pumanaw na ina, hinding-hindi sila titigil na pag-usapan ito: “Kung may mas mahaba pa sa habang buhay ganun kita katagal mamahalin, Mi. Ito ang sakit na hindi mawawala sa puso ko kailan man. Hindi ko alam kung anong gagawin, Mi. Hindi namin alam kung paano mabuhay sa mundo ng wala ka. Sana alam mo na mahal na mahal ka namin at napakalaki ng puwang na iiwan mo sa aming lahat.

“Ang pinakapinagpapasalamat ko sa buhay ay ikaw ang naging nanay ko. Wala nang mas masakit pa sa pagkawala mo. Salamat sa lahat, Mi. Para sa buhay na binigay mo, para sa lahat ng pagiintindi at pagpapasensya, sa mga lambing at tawa, sa pagmamahal mo na hindi kayang pantayan ng kahit sino.

“Hinding hindi kami titigil na pag-usapan ka at ipagmalaki sa lahat ng tao na anak kami ni Chit. Sobrang mamimiss kita, Mi.

“Mahal na mahal na mahal kita. Hanggang sa Muli, Mi.”             

CHIT

SUE RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with