^

PSN Showbiz

Showtime, umani ng 10 bilyong social media views

Pilipino Star Ngayon
Showtime, umani ng 10 bilyong social media views
SOU Squad
STAR/ File

Nakalikom na pala ang It’s Showtime ng 10 bilyong social media views sa Facebook, Instagram, X at TikTok mula noong umere ito noong 2016.

Kasabay ng achievement na ito ay ipinagdiriwang din ng online show nila na Showtime Online U (SOU) ang ika-10 taon nito.

Isang pasabog na opening number ang nasaksihan ng madlang people sa hosts nito na sina Wize Estabillo, AC Soriano, Nicki Morena, Lorraine Galvez, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Anthony Castillo, Anne Tenorio, Jannah Alanise, Mackie Empuerto, Eris Gonzaga at Zeah Pala.

Nagtuluy-tuloy ang selebrasyon sa Dolphy Theater kung saan may hinanda silang games at performances para sa kanilang masugid na madlang onliners.

Para kay SOU host Nicki Morena na umuwi pa mula sa Germany ay itinuturing niyang isang “full circle” moment ang naging karanasan sa programa.

“Na-experience ko ‘yung Showtime mula sa iba’t ibang sides—bilang contestant, host, at OFW—kaya mas na-realize ko kung gaano ka-importante ang SOU para sa mga OFW na malayo sa Pilipinas,” aniya.

Ayon naman kay AC Soriano, nagsisilbing tulay ng koneksyon ang SOU sa dala nitong good vibes ng programa.

“Para siyang bridge of happiness. Dati, sa TV mo lang aabangan ng alas-dose, pero ngayon kahit nasa MRT ka o nasa abroad bilang OFW, pwede mo nang mapanood ang It’s Showtime,” sabi niya.

Habang papalapit sa ika-17 taon ang It’s Showtime, mas marami umanong sorpresa at mas maraming pasabog ang dapat abangan ng madlang people lalo na sa darating na Magpasikat.

SOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with