20 mangingisda tiklo sa illegal fishing
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nalambat ng mga awtoridad ang 20 mangingisda matapos mahuli sa aktong nagsasagawa ng illegal fishing sa territorial seawaters ng Barangay Balesin sa Polillo, Quezon, kamakalawa ng madaling araw.
Ayon kay Quezon Police Station Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, isinagawa ang seaborne patrol operation ng Polillo Municipal Police kasama ang 15th Special Forces Company, 4th Special Forces Battalion, at Bantay Dagat dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang white-and-red fishing vessel na “Taksay”, isang 4DR5 diesel engine, at isang dynamo 20kb.
Kasama sa nasamsam ang 100 kilo ng assorted fish, na nagkakahalaga ng P15,000.00 at iba pang kagamitan, na umabot sa halagang P356,900.
Ang kaso ng mga mangingisdang hinuli ay ipinasa sa Office of the Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Polillo kabilang ang mga nakumpiskang bangka, at kagamitan para sa kaukulang disposisyon.
- Latest
















