^

Probinsiya

2 mangingisda nasagip ng PCG sa Batangas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 mangingisda nasagip ng PCG sa Batangas
Sinabi ng PCG nang pauwi na sana ang dala­wa nang makaranas ng aberya sa makina ang bangkang de-motor na kanilang sinasakyan bandang alas-3:00 ng madaling-araw noong Huwebes.
Coast Guard Station Batangas / Facebook page

MANILA, Philippines — Dalawang mangi­ngisda na may 20 oras na nabalahaw sa gitna ng karagatan sa Batangas noong Huwebes ang nasagip na, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado.

Sinabi ng PCG nang pauwi na sana ang dala­wa nang makaranas ng aberya sa makina ang bangkang de-motor na kanilang sinasakyan bandang alas-3:00 ng madaling-araw noong Huwebes. Hindi sila agad nakahingi ng tulong o nakapag-abiso sa kanilang pamilya dahil wala naman silang cellphone.

Dakong alas-11:30 ng gabi noong Huwebes, o mahigit 20 oras na naka­tirik sa laot, namataan ng mga tauhan ng PCG ang dalawa sa dagat na sakop ng Barangay Anak Dagat sa bayan ng Lemery.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng PCG at nailigtas ang mga mangingisda. Sinuri naman sila ng mga barangay health worker matapos makarating sa pampang at sinabing nasa maayos silang kalusugan.

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with