DOH handa sa paglobo ng leptospirosis
MANILA, Philippines — Binisita ni Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado ang DOH-San Lazaro Hospital (SLH) para tiyakin ang kahandaan nito ngayon sa inaasahang pagdami ng kaso ng leptospirosis kasunod ng mga pag-ulan at baha.
Ayon sa DOH, naka-activate na ang Leptospirosis Express Lane para sa mabilis na gamutan, habang may mga nakalaang gamot gaya ng antibiotic, at may Leptospirosis Rapid Diagnostic Tests, at Hemodialysis Units para sa mga moderate to severe cases.
Sinisiguro rin ng DOH Hospitals na may nakahandang surge capacity beds para sa posibleng pagdami ng mga kaso ng Leptospirosis sa bansa.
Paalala ng DOH, libre ang magpakonsulta sa pinakamalapit na DOH Health Facility at YAKAP Clinic. Sundin ang payo ng doktor sa wastong pag-inom ng gamot lalo na kung lumusong o nababad sa baha, makaranas man ng sintomas o hindi.
- Latest















