^

Metro

‘MayHuliKa’ portal simula Agosto 24 - MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas pinadali ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagberipika  ng mga motorista sa bagong search option sa MayHuliKa portal na magsisimula sa Agosto 24.

Ang idaragdag na search option ang magbibigay-daan sa mga motorista na i-check ang lahat ng violation record ng isang sasakyan sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sa isang abiso nitong Biyernes, sinabi ng MMDA na maaaring mag-search ang mga motorista gamit ang alinman sa plate number at ticket number, o plate number at motor vehicle file number.

Ang unang opsyon ay para sa mga nakatanggap na ng notice of violation o traffic ticket, habang ang pangalawa ay nagbibigay-daan sa mga user na makita ang lahat ng NCAP violation record ng isang sasakyan.

Ang ebidensya ng mga paglabag sa NCAP ay maaari lamang makita sa web portal na mayhulika.mmda.gov.ph o sa pamamagitan ng eGov­PH app sa paghahanap ng MMDA.

Ang integrasyon, na inilunsad ng MMDA at ng Department of Information and Communications Technology, ay nagbibigay sa mga mo-torista ng sentralisadong plataporma para i-check at bayaran ang mga paglabag sa trapiko.

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with