Pinas,nagtala ng 9.7 poverty rate noong 2025

MANILA, Philippines — Bumaba sa record-low na 9.7 porsyento ang poverty incidence rate sa Pilipinas noong 2025.
Ayon sa Department of Economy,Planning, and Development (DEPDev), naabot ng bansa ang target na single-digit poverty rate sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP), tatlong taon bago ang itinakdang deadline.
Base sa 2025 full-year Poverty Statistics na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng DEPDev na 6.5 milyong Pilipino ang nakaahon sa kahirapan sa pagitan ng 2023 hanggang 2025.
Kasabay nito, bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold o ang kita na P14,634 bawat buwan para sa pamilyang may limang miyembro—mula 17.5 milyon noong 2023 tungo sa 11 milyon noong 2025.
“For the first time, fewer than one in 10 Filipinos is living below the poverty line.Reaching this milestone ahead of schedule demonstrates that expanding economic opportunities, complemented by effective social protection, can make a meaningful difference in people’s lives,” pahayag ni DEPDev Secretary Arsenio Balisacan.
Ayon sa DEPDev, mula 2023 hanggang 2025, lumawak ang mga oportunidad sa ekonomiya kasabay ng tuluy-tuloy na paglago ng gross domestic product (GDP), pagbagal ng inflation, at karaniwang magandang kondisyon sa labor market.
- Latest















