BARMM, idineklarang walang pasok sa Setyembre 14
MANILA, Philippines — Sa Setyembre 14 ay idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang special non-working day sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim ng Proclamation No.1395.
Kaugnay ito sa unang regular parliamentary elections sa BARMM at para magbigay ng oportunidad sa mga residente doon na aktibong makalahok sa eleksyon at gamitin ang kanilang kapangyarihan na bumoto.
Ang nasabing proclamation ay nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto base pa rin sa otoridad ni Pangulong Marcos.
Ang unang BARMM parliamentary elections ay na-reset sa Setyembre 14 sa ilalim ng Republic Act No. 12317 na nag-aamyenda sa Bangsamoro Organic Law.
Nauna nang ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang BARMM elections na orihinal na itinakda noong Marso matapos ang desisyon ng Korte Suprema na ang Sulu ay hindi na bahagi ng autonomous region, gayundin din ang hindi sapat na oras para sa paghahanda ng halalan.
- Latest



















