^

Police Metro

Babaeng HOA prexy inutas; treasurer sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang babaeng presidente ng Homeowners Associa­tion (HOA) habang suga­tan naman ang kanyang trea­surer nang sila ay pag­­babarilin sa loob ng kanilang opisina sa Baran­gay 171, Bagumbong, Caloocan City nitong Huwebes ng hapon.

Ang biktima na isang 51-anyos ay namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang agad na dinala sa ospital ang sugatang treasurer.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:30 ng hapon ay abala ang mga biktima sa pangongolekta ng buwanang bayad sa lupa ng mga residente sa loob ng barangay hall nang pasukin sila ng mga suspek at isa ang bumunot ng baril at pinagbabaril sila.

Bulagta ang mga biktima saka mabilis na tumakas ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Nabatid na ang nasa­wing­ HOA president ay pi­nag­babaril noong 2020 subalit nakaligtas sa kamatayan.

Dahil sa mga pagbabanta ay pansamantala nanirahan sa probinsiya bago muling bumalik sa Caloocan City.

Patuloy na tinutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at inaalam ang motibo sa pamamaril.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with