^

PM Sports

Gilas Boys talsik sa China

Elech Dawa - Pang-masa
Gilas Boys talsik sa China
Tinakasan ni Gilas Pilipinas Boys guard Chog Moral ang kanyang Chinese defender.
FIBA.com

MANILA, Philippines — Ibinuhos ni Chog Moral ang kanyang lakas pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang Gilas Pilipinas Boys sa quarterfinals ng 2026 FIBA Under-18 Asia Cup.

Yumuko ang Gilas Boys laban sa mas matatangkad at tigasing China, 103-117, sa Veer Savarkar Indoor Sta­dium kahapon sa Ahmeda­bad, India.

Kaya natapos ang kanilang kampanya sa hangaring makapasok sa bigating 2027 Under-19 World Cup.

Napahirapan ang Nationals sa tangkad ng kanilang katunggali pero kahit paano ay impresibo ang inilaro ni Moral matapos ilista ang 26 points at anim na steals.

Lalalaban pa rin ang Gilas Boys ngayong araw, pero sa 5th-8th classification phase na lamang.

Tiyak naman na mauungusan ng Gilas Boys ang 10th-place nila noong 2024 edition ng nasabing tournament kung saan ay sina Cabs Cabonilas, Mark Espe­ranza, at Earl Medina ang nanguna sa koponan.

Nakitaan ng tikas ang mga Pinoy cagers sa unang dalawang quarters nang makipagsabayan sila sa China.

Subalit nanatili ang tigas ng Pool C top notcher China (3-0) nakalamang ng 14 points, 59-45, sa halftime.

Kumana si Luke Atacador ng 14 markers, habang bumanat sina Ethan Aguas at JB Cagurungan ng tig-12 points para sa Nationals ni coach Juno Sauler na nakahugot ng 11 points kay Aidan Green.

Inirehistro naman ni Wang Zichao ang 23 points at apat na assists para bumida sa opensa ng China.

BATANG GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with