4 timbog ng PDEA-BARMM sa drug den

MANILA, Philippines — Apat na hinihinalang shabu dealers na kasabwat sa pamamalakad ng isang drug den ang nadakip ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) at mga pulis sa ikinasang anti-drug operation sa Buluan, Maguindanao del Sur nitong Martes, August 18.
Kinumpirma nitong Biyernes ng mga municipal at barangay officials sa Buluan na tumulong sa PDEA-BARMM sa pagkasa ng operasyon na nakadetine na ang apat na suspek na mga residente ng Barangay Upper Siling at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay ni Edgar Jubay, director ng PDEA-BARMM, agad na inaresto ng PDEA-BARMM agents, mga operatiba ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, at Buluan Police Station ang apat na lalaki na kanilang nabilhan ng shabu sa bahay ng isa sa kanila na nagsisilbing drug den sa Purok 1 sa Barangay Upper Siling ng nasabing bayan.
Ayon sa mga Moro leaders at local executives na sumuporta sa buy-bust operation, ang mga naarestong suspek ay nagsasagawa rin ng pot sessions sa kanilang drug den para sa mga bumibili sa kanila ng shabu at marijuana.
Nakumpiska mula sa apat na suspect ang P54,000 na halaga ng shabu.
- Latest



















