‘Tulak’ na Chinese timbog sa buy-bust sa Parañaque

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 40-anyos na Chinese national na ‘tulak’ ng iba’t ibang uri ng ilegal na droga, sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Southern Police District, sa isang residential condominium sa Bar
angay Tambo, Parañaque City, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang suspek sa alyas “Tiger” na isang high-value individual ay isang online seller, na residente ng Clark Field, Pampanga.
Dakong alas-11:05 ng gabi noong Agosto 20, 2026, nang isagawa ang operasyon sa Marina Seaview Residences kung saan nakabili ang poseur-buyer ng ilegal na droga na nagbigay daan sa pag-aresto.
Nasamsam ang mahigit P357,000 halaga—50 gramo, 8 tableta ng hinihinalang ecstasy na nagkakahalaga ng P13,000.00, isang sachet ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P3,100.00, at isang sachet ng hinihinalang marijuana/kush na P900.00, na may kabuuang tinatayang Standard Drug Price (SDP) na P357,000.00. Nasamsam din ng mga operatiba ang buy-bust money, at isang Android mobile phone.
Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Parañaque Prosecutor’s Office ang dayuhang suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest

















