^

Metro

PNP sinisilip digital evidence sa Ateneo school shooting­

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinusuri na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang cellphone at iba pang digital evidence na narekober sa menor- de-edad na suspek sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) upang matukoy ang motibo sa insidente at kung paano ito na-livestream online.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., kabilang sa sinusuri ang online activities ng suspek bago, habang at matapos ang pamamaril. Tinitingnan din kung may kaugnayan siya sa online games o iba pang digital platforms at kung mayroon siyang mga naunang banta o senyales na maaaring nagbabala sa mga awtoridad.

Sinabi ng PNP, umano’y ni-livestream ng suspek ang pamamaril sa isang website na tinatawag na “Watch People Die” gamit ang body camera na nakakabit sa kanyang dibdib. Sinisiyasat din kung planado ang livestream at kung may iba pang taong sangkot sa pagkalat ng footage.

Samantala, pinaigting ng PNP ang cyberpatrol operations upang matanggal sa social media at iba pang online platforms ang mga larawan at video ng insidente.

Inatasan ni Nartatez ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na palakasin ang koordinasyon sa mga social media platform upang mapigilan ang pagkalat at pagre-repost ng naturang materyal.

Hinimok ni Nartatez ang publiko na huwag magbahagi o mag-repost ng mga larawan at video ng pamamaril, lalo na’t may mga menor-de-edad na sangkot. Aniya, maaari itong magdulot ng dagdag na trauma sa mga biktima at kanilang pamilya at makasagabal sa patuloy na imbestigasyon.

SHOOTING­

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with