^

PSN Showbiz

Mga kwentong Pinoy, bibida sa KayaFlix

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga kwentong Pinoy, bibida sa KayaFlix
Maki Javier

May bagong bahay ang mga orihinal na kwentong Pinoy sa kalulunsad lamang na KayaFlix, isang vertical series streaming app, na pinangungunahan ng creative at managing director nitong si Maki Javier.

Sa launching kamakailan na ginanap sa SinePop, Cubao, Quezon City, sinabi ni Direk Maki na bukas ang KayaFlix sa anumang uri ng kwentong Pinoy, mapa-complex pa ‘yan o simple lang.

Layunin din nito na maging launchpad at magbigay ng pagkakataon sa student filmmakers o baguhang direktor na naghahanap at nangangailangan ng kaukulang platform para sa kanilang mga likhang kwento.

Kwento ni Direk Maki, nagka-idea siyang maglunsad ng ganitong streaming app matapos mag-judge sa isang student festival sa Bulacan State University.

Na-impress daw siya sa creativity, craftsmanship at storytelling ng mga nag-participate na student filmmaker kaya naisip niya na sayang naman kung hanggang student fest lamang mapapanood ang mga kwentong gaya nito.  “KayaFlix began with a question that stayed with me after judging a student film festival. Where do these incredible stories go after the festival ends? I realized they deserved more than a single screening. They deserved a home. KayaFlix was built to become that home,” sabi ng batang direktor na ang pangarap ay makasali sa Cinemalaya ang ididirek niyang pelikula.

“Technology continues to change the way we watch, but it should never change the heart of Filipino storytelling. Our goal is to preserve that heart while presenting it in a format that today’s audiences naturally embrace,” diin niya.

Sa ngayon, bukas na raw ang web version ng KayaFlix, kung saan maaari nang mag-subscribe sa mababang halaga na P199/month. At dahil nagpapakilala pa lamang ito, may treat ang KayaFlix sa new subscribers: Libreng limang episodes pagbukas nila ng app.

Ngayong Agosto, sey ni Direk Maki, ini-expect nila na magiging available na rin ang KayaFlix sa iOS at Android phones.

MAKI JAVIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with