Misis at mga anak ni Romnick, natatakot na!

Pagkatapos ng mga hanash na nakukuha namin sa ilang filmmakers at artista sa nakaraang Cinemalaya 22, tuluy-tuloy pa rin pala ang naririnig naming hanash nang dinaluhan namin ang press preview ng episode 4 ng six-part limited series na Drug War ng Rein Entertainment at KC Global Media.
Ginanap ito sa Cinema 76 sa Quezon City noong nakaraang Miyerkules, at si Romnick ang una naming nakatsikahan.
Isa rin kasi siya sa mga artista na very vocal sa nararamdaman nila o naoobserbahan nila sa mga nangyayari sa paligid.
Drug War ang tinalakay sa usapin at talamak pa rin ang droga ngayon. Nakababahala na nga, pero ang isa pang ikinatatakot ngayon ng mga magulang ay itong nangyayaring shooting incident sa mga paaralan, at mga minor pa ang may gawa.
May mga nagsasabing ang ibang shooting incident ay maaaring kaugnay sa paggamit ng droga.
Kaya tinanong si Romnick kung meron ba siyang gustong iparating sa gobyerno, o gustong imungkahi para makontrol o maiwasan ang mga ganitong kaganapan, at maprotektahan ang kabataan? “Madaling sisihin ang mga bagay na flying in the air, e,” pakli ni Romnick Sarmenta.
“Katulad nun, pag sinabi, ‘Ahh droga ang dahilan niyan.’ ‘Ahh ganito iyan.’ Pero may programa ba tayo para turuan ang mga estudyante kung papaano igalang iyung baril?
“May programa ba tayo para pigilan at bantayan kung sino ang nagkakaroon ng baril? May programa ba tayo na nagsasabing safe iyong mga anak natin sa loob ng paaralan?
“May programa ba tayo para sa pagbabantay ng kasiguraduhan nung mga neurological exams natin sa mga nagpupulis, sa mga nag-a-apply magkaroon ng firearms?
“Lahat ba iyun sigurado natin na in place, na maayos? Madaling manisi, e. Madaling makakita ng dahilan. Pero hangga’t hindi natin napapag-aralan kung saan siya nagmula, ano ang pinanggalingan — hindi natin puwedeng sabihin na nakahanda tayo, e.
“Madali ring sabihin, kasalanan ng magulang. Puwede nga nating sabihin, kasalanan ng video games. Pero singkuwenta y kuwatro anyos na po ako, nagvi-video game pa rin ako, wala pa akong sinasaktang tao. Di ba?
“I mean, iyung context, maraming bagay na puwedeng sabihin. And until ma-figure out natin kung ano iyung dapat talaga nating i-address at papaano siya ia-address nang tama — hindi iyong band-aid solution.
“Hindi iyung tataasan natin ng ganito, babawalan natin ng ganito. Hindi iyun ang solusyon, e. Ang solusyon, tinuruan ba natin sila from the very beginning? At ginagawa ba natin iyung tama para sa kanila?”
Sa totoo lang, sinasabihan na raw si Romnick ng mga anak niya pati ang asawa niyang si Barbara Ruaro na magdahan-dahan na siya sa mga sinasabi niya lalo na’t tungkol sa ating gobyerno. “Mga anak ko iyung nag-aalala. Siyempre, concerned sila, e,” sambit ni Romnick.
“Si Barbara, iyung wife ko. Sinasabi niya, ‘Baka malagay ka sa alanganin.’ And I appreciate it more than anything na nag-aalala sila. But I also have to tell them every now and then na, ‘Para sa inyo din ito.’ ‘Di ba?
“Hopefully kung may magising at may magbago — kasi, hindi ko naman inaasahan sa lifetime ko, e. “Hindi dahil wala akong pag-asa. Parang hindi lang alam kung hindi siya ganun kabilis. So kung abutan ko, grateful. Kung hindi… sana, ilaban nyo rin iyung katotohanan,” sabi pa ng premyadong aktor.
Itong Drug War na series ay talagang matapang ang pagkalatag ng kuwento.
Kaya nga siguro natakot ang ilang streaming service na kunin ito. Nasa You Tube na ito ng Rein Entertainment, para mas accessible at malapit sa mga tao ang gustong panoorin ito.
Wala silang babayaran dahil libre ang You Tube.
Kaya naman tumataas na ang viewership nito na halos one million views na.
Nag-stream na kahapon ang pang-apat na episode ito, at inaasahang mas tataas ang views nito.
“Ginawa namin ang Drug War para sa audience na interesado sa temang ito, na siya namang nangyayari,” pakli ni Direk Shugo Praico na siya ring nagsulat nito.
“Para po sa amin sa Rein, ang pinakamaganda sa You Tube as a platform is accessibility. Very accessible, we think this kind of material ahhh does it be the A wall ba ang tawag dun? Ahh so that’s why we wanted more people get it and to view it to be accessible.
“And marami sa mga kababayan natin outside of Philippines, ma-access niya. Plus of course, yun nga nabanggit kanina…yung very organic engagement dun sa comment section. Nagkakaroon ng conversation.
“Isa po yun sa dahilan or objective namin kaya namin binuo itong series for that conversation to happen.”
Pero hindi kaya natatakot din o nag-play safe lang ang mga streaming service kaya hindi nila kinuha ang series na ito?
Pelikulang insidious, kumite ng P21 sa midnight screening. Nagulat kami sa box-office result na nakuha namin sa pelikulang Insidious na nagbukas noong nakaraang Miyerkules.
Sabi ng aming reliable source, sa midnight screening lang daw ng pelikulang ito ay umabot daw ng 21M ang total gross nito.
Ganun siya kalakas!
Hanggang ngayon ay showing pa rin ang iba pang foreign films na Spider-Man: Brand New Day na umabot na raw ng 1.3B pesos, at ang isa pang malakas na Odyssey ay naka-400M na.
May ilang foreign films din daw na nag-showing, na hindi naman malakas. Kaya depende raw talaga sa content na gusto ng mga manonood.
- Latest




















