Puksaan nila Kathryn at Maja, may 353K viewers

Winner ang pukasaan nina Kathryn Bernardo at Maja Salvador.
Mas lalo ngang pinainit nina Kathryn at Maja ang Primetime Bida sa kanilang pangmalakasang aktingan at tumitinding puksaan sa Kapamilya teleseryeng Someone, Someday, na nagtala ng all-time high record na 353,672 peak concurrent viewers sa YouTube noong Miyerkules (Agosto 19).
Nangibabaw ang “mata-mata” acting ng dalawang aktres sa isang malupit na komprontasyon, kung saan sinampal ni Billy (Kathryn) si Abi (Maja) at tinawag na sinungaling matapos siyang traydurin nito. Agad na pumatok at umani ng papuri ang eksena mula sa netizens dahil sa kanilang husay na pagganap.
Tuluyan na ngang ipinakita ni Abi ang kanyang tunay na ugali, mula sa pagbabait-baitan bilang fan ni Billy na ngayon ay number one na nitong karibal na determinadong pabagsakin si Billy.
Kaabang-abang naman ang mas umiigting na tapatan nina Kathryn at Maja, dahil nanggagalaiti na sa galit si Billy at hindi na siya magpapatalo lalo na nang malaman nila ng best friend niyang si Jordan (James Reid) na pineke pala ni Abi ang kanyang pagkatao para makapasok sa buhay nila at Bea ang tunay nitong pangalan.
Napapanood ang Someone, Someday gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC. Napapanood din ito ng 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.
MTRCB, paiigtingin ang ‘Responsableng Panonood’ drive matapos ang pamamaril sa Zamboanga
TINIYAK ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na paiigtingin nito ang Responsableng Panonood (RP) Program, laluna sa mga guro at magulang, sa kabila ng malagim na pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City.
Sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto, itinuturo ang responsible viewing habits sa mga magulang at bata sa ilalim ng RP Program, maliban sa maingat na paggamit ng social media, online platforms, streaming services at iba pang uri ng digital content.
“We join the nation in mourning the loss of young lives in this heartbreaking incident. Our sincerest thoughts and prayers are with their families, classmates, teachers and the entire Ateneo de Zamboanga community,” sabi ni Sotto.
“We support President Ferdinand Marcos Jr.’s call for stronger measures to keep our children safe, online and offline. Through the MTRCB’s Responsableng Panonood Program, we aim to help them understand the content they see on television and on online platforms, so that they know how to protect their safety and wellbeing,” dagdag niya.
Paliwanag ni Sotto, shared responsibility ng mga pamilya, paaralan, komunidad, mga ahensiya ng gobyerno, at digital platforms na pangalagaan ang mga kabataan mula sa harmful online content.
Sa Agosto 24, tutungo ang RP Program sa Naga City, Camarines Sur kung saan makikipag-ugnayan ang MTRCB sa mga magulang, guro, mag-aaral, lokal na opisyal at iba pang stakeholder sa komunidad upang isulong ang responsible viewing at media literacy initiative ng Ahensiya.
Itinutulak nito ang active parental supervision at guidance, age-appropriate viewing, kritikal na pag-iisip, online safety, pati na ang responsableng paglikha, at pag-share ng digital content.
Pinapaalalahan din ang mga magulang na magtakda ng makatwirang boundaries sa screen time at maging mapagmatyag sa mga pag-uugali ng kanilang mga anak na maaaring maging indikasyon na sila ay nakapanood ng harmful o distressing content.
“Responsible viewing does not end with checking age ratings or sitting beside our children as they watch TV or movies. More importantly, it includes knowing what our children watch, whom they interact with and what they create and share online,” sabi ni Sotto.
- Latest
























