28 tetestigo vs Romualdez sa flood scam - Ombudsman

MANILA, Philippines — Mayroon umanong hawak ang Ombudsman ang 28 indibidwal na handang tumestigo laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.
Ito ang inihayag ng Office of the Ombudsman kasunod nang pagbawi ng nagpakilalang dating aide ni resigned Congressman Zaldy Co na si Orly Guteza sa kanyang mga testimonya naghatid siya ng male-maletang pera kay Romualdez.
“Hindi bago ang recantation sa mga high-profile case. Classic pressure tactic ito. Hindi umiikot ang buong imbestigasyon sa iisa o kahit sa iilang witnesses,” pahayag ng Ombudsman.
“Sa kabila nito, ipinapaalam ng Office of the Ombudsman na mayroon itong 28 testigo na nakahandang magbigay ng direkta at materyal na kaalaman sa mga transaksyong sinisiyasat sa kaso ni dating Speaker Martin Romualdez. Nasa ilalim na sila ng legal process sa ngayon at kasalukuyan umanong nasa legal process ang mga testigo at sinabing ito ay “mga taong nakauniporme at aktibo pa rin sa serbisyo.” dagdag ng Ombudsman.
Sa pahayag ni Guteza, sinabi nitong sina Senador Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor ang nag-utos sa kanya na maglabas ng mga gawa-gawang akusasyon laban kay Romualdez kapalit ng malaking halaga ng pera at scholarship ng kanyang mga anak.
Samantala, naghain na nitong Huwebes ng hapon ng supplemental counter-affidavit sa Ombudsman si Romualdez na kalakip ang sinumpaang salaysay ng 25 mga dating drivers at security aides ni Co.
- Latest



















