Guteza binawi testimonya sa maleta kontra kay Romualdez

MANILA, Philippines — Matapos magtago ng ilang buwan ay binawi ni dating Philippine Marine Orly Guteza ang kanyang testimonya laban kay dating House Speaker Martin Romualdez sa iskandalo ng korapsyon sa flood control projects scam.
Ito’y sa gitna na rin ng kautusan ng Ombudsman kay Romualdez na maghain ng counter-affidavit para sagutin ang alegasyon ng Maleta boys.
Base sa kopya ng sinumpaang salaysay ni Guteza, umano’y dating security aide ni dating Rep. Zaldy Co, pinilit lamang umano siya nina Senador Rodante Marcoleta at dating Anakalusugan Rep.Mike Defensor; pawang nakakulong sa kasong plunder na isabit sa kickback scheme sa flood control si Romualdez.
Sa pahayag ni Guteza, sinabi nito na nakilala lamang niya sina Marcoleta at Defensor sa isang restaurant sa Pasay City noong Setyembre 24, 2025, isang araw bago ang kaniyang pagtungo sa Senate Blue Ribbon Committee na noo’y dating pinamumunuan ni Marcoleta.
Ayon kay Guteza sa kabila umano ng kawalan niya ng kaalaman sa male-maletang pera na idinilber umano sa Valle Verde ay hinimok siya ng dating mambabatas na magpanggap na nagdeliber ng pera sa ilang mga kilalang pulitiko at ang pamangkin ni Defensor pa umano ang gumawa ng affidavit na kaniyang babasahin.
Pinangakuan umano siya kapalit ng kaniyang pagtestigo sa Senado ng P150 milyon bukod pa sa scholarship ng kaniyang mga anak kaya nagawa niya ang magsinungaling. Si Guteza ay itinututing ng Ombudsman na krusyal na piraso ng puzzle para mabuo ang case buildup laban kay Romualdez.
- Latest

















