Helper na HVI timbog sa 7.4 milyong shabu
CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang helper na kasama sa High Value Individual List ng pulisya sa isinagawang malakihang buy-bust ng Special Operations Unit 4A sa Brgy Paliparan 1 Dasmariñas City Cavite.
Kinilala ang suspek sa alyas “Pleng,” 33-anyos, helper, residente ng Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan.
Base sa ulat, alas-2:29 ng madaling araw nang maglatag ng Buy-bust operations na nasamsam sa suspek ang isang malaking transparent plastic pack at isang ziplock transparent plastic bag na kapwa naglalaman ng shabu na may kabuuang 1,100 gramo o 1 .1 kilo na aabot sa halagang P7.48 milyon.
Kasalukuyan ng nakakulong ang suspek at nahaharap sa patong patong na kaso.
- Latest



















