Walang sinisising guro, nagpapaalala lang - Castro
MANILA, Philippines — Wala umanong sinisising mga guro kundi isa lamang paalala ang mga pinakawalang pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer Claire Castro tungkol sa mga guro noong Martes.
Matatandaang sinabi ni Castro sa ginanap na press briefing ng PCO noong Martes, Agosto 18, na ang ibang mga guro ay nagtuturo umano sa kanilang mga estudyante na maging walang modo.
Ginawa niya ang pahayag matapos ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga nitong Martes kung saan dalawang estudyante doon ang nasawi kabilang ang namaril at umano ng batikos mula sa grupo ng mga guro.
Aniya, ang pinaggagalingan ng kanyang pahayag ay base sa mga naimbestigahan kabilang dito ang nangyari sa isang eskwelahan sa Davao City kung saan may mga estudyante mismo ang nagsisigaw ng mga salitang hindi katanggap- tanggap tulad ng mga pagmumura sa pangulo.
“Minsan na po nating nakita, mismo ang ibang mga guro ay lumalabag sa ganitong klase ng moralidad. Sila minsan ay ang nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung papaano maging walang modo—lalung-lalo na sa mga nakakatanda o sa mga ibang tao. Panahon na po, hindi lamang po ang gobyerno, lahat po tayo especially ‘pag nasa school, kayo po ang magsilbing pangalawang guro sa ating mga kabataan,” ani Castro.
“Gusto lang po natin ipaliwanag at mukhang nagkakaroon po ng misconception, misinterpretation, misunderstanding sa ating nabanggit kahapon,” wika ni Castro.
Gayundin ang isang video na gawa ng isang guro na ngayon ay under investigation at mismong siya ang nagturo sa kanyang mga estudyante ng mga salitang mapang insulto sa presidente.
Giit ni Castro, nauunawaan niya kung saan nanggagaling ang ating mga guro, kaya huwag sana nilang masamain kung pinapaalalahanan sila dahil sila ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga kabataan.
- Latest















