^

Punto Mo

Baha ang Bayan, bulsa ang puno

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

Kapag malakas ang ulan, ordinaryong Pilipino ang unang sumasalo ng bagsik ng panahon. Bahay ang nilalamon ng baha, mga sasakyan ang nasisira, negosyo ang napipilitang magsara, at kabuhayan ang unti-unting nawawala. May mga pamilyang ilang oras lang ang pagitan mula sa normal na pamumuhay hanggang sa paglikas sa evacuation center.

Pero sa gitna ng ganitong paghihirap, may isang bagay na lalong mahirap tanggapin: bilyun-bilyong piso ang inilaan ng gobyerno para sa mga proyekto sanang magbibigay proteksiyon sa mga komunidad laban sa baha.

Kaya kung mapapatunayang may mga ghost project, substandard o palpak na konstrusyon, pekeng accomplishment, o proyektong hndi naman talaga naipatupad hindi ito simpleng pagkakamali sa trabaho. Hindi ito ordinaryong kapabayaan. Pera ito ng taumbayan na dapat sana’y naging konkretong proteksiyon ng mga tao.

Mas mabigat ang usapin kung mapatutunayang may mga opisyal ng gobyerno at construction company na nagkasabwatan upang pagkakitaan ang mga proyektong para naman talaga sa publiko. Habang may kumakamal ng pera, ang karaniwang mamamayan ang lumulubog sa baha.

Nasaan ang pera? Sino ang pumirma? Sino ang nag-inspeksiyon? Sino ang nagpatibay na tapos at maayos ang proyekto? At higit sa lahat, sino ang nakinabang?

Iyan ang mga tanong na hindi dapat tabunan ng press release, palusot o pagpapasa ng sisi sa iba.

Dahil kapag ang pondong inilaan para sa flood control ay ninakaw o nilustay, hindi lang pera ang nawawala.

Proteksyon ng mga komunidad ang nawawala. Kaligtasan ng mga pamilya ang nakataya.

At sa bawat baha na pumapasok sa bahay, may batang natatakot, may magulang na nag-aalala, may manggagawang nawawalan ng kita at may pamilyang muling bumabangon mula sa pinsala.

Kung may mapatutunayang lumabag, dapat managot—opisyal man, contractor, engineer o sinumang sangkot. Walang dapat maging untouchable kapag kaban ng bayan ang pinag-uusapan.

Hindi kasalanan ng ordinaryong Pilipino ang baha. Pero kung may taong ginawang negosyo ang pondong dapat sana’y panangga sa baha, ibang usapan na iyon.

Baha man ang problema, ang tunay na kalaban ay ang mga taong ginawang negosyo ang paghihirap ng bayan.

FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with