^

Punto Mo

Pinay dh, pinaghimalaan ni St. Charbel (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

LABIS ang aking pagtataka sapagkat tumawag ang aking ina na sa pagkakaalam ko ay may malubahang karamdaman ng mga sanda­ling iyon. Paanong ang isang maysakit ay makakatawag sa akin? Kinabahan ako at naisip na baka ang nasa kabilang linya ay “kaluluwa” na lamang ng mahal kong ina.

Pero nilakasan ko ang loob. Nagpa­katatag ako sa mga oras na iyon.

“Inay, kumusta na ang kalagayan mo? Ano ang nararamdaman mo?” tanong kong parang maiiyak at nanga­ngatal ang boses.

“Mabuti na ang kalagayan ko, anak,” sabi ni Inay sa maayos na boses.

“Magaling ka na Inay?”

“Oo.”

“Wala ka nang sakit o anumang nararamdaman?”

“Wala na anak.”

“Paano nangyari ‘yun e kamakalawa lamang e sinabi ni Itay at ni Ate na malubha ang iyong karamdaman at…” hindi ko tinapos ang sasabihin.

“Oo nga anak. Pero nagpadala ka ng doktor dito sa atin di ba?”

“Doktor?”

“Oo. Doktor mula sa Lebanon. Ginamot niya ako.”

Hindi ako nakapagsalita. (Itutuloy)

NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with