^

PM Sports

Yulo brothers bibida sa Asiad

Russell Cadayona - Pang-masa
Yulo brothers bibida sa Asiad
Pangungunahan ng magkapatid na Eldrew at Carlos Yulo ang kampanya ng Gymnastics team sa Asian Games.
Photo@ Carlos Yulo’s Instagram

MANILA, Philippines — Babanderahan ng magkapatid na Caloy at Eldrew Yulo ang kampanya ng Philippine gymnastics team sa parating na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa susunod na buwan.

Sa kanyang ikalawang Asian appearance ay target ng 26-anyos na si Caloy ang kanyang kauna-una­hang medalya sa Asiad na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Tumapos ang batang Tondo sa 4th place sa men’s vault at 7th place sa floor exercise ng 2018 edition sa Jakarta, Indonesia.

Sa parehong events inangkin ni Caloy ang dalawang gold medals sa 2024 Olympic Games na idinaos sa Paris.

Hindi sumalang si Ca­loy sa 2022 edition sa Hangzhou, China dahil sa kasabay na paglahok niya sa world championships na isang Olympic qualifier para sa Paris Games.

Hindi pa nananalo ng gymnastics medal ang Pinas sa Asian Games.

Noong Hunyo ay nakuha ni Caloy ang gold, habang nakuntento si Eldrew sa bronze sa men’s floor exercise sa 13th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Zunyi, China.

Ito naman ang unang Asiad stint ng 18-anyos na si Eldrew na wagi ng isang gold at dalawang silver medals sa vault sa mga sinalihang Asian cham­pionships.

Panalo rin siya ng tansong medalya sa floor exercise at horizontal bar sa 2025 Junior World Championships.

Bukod sa magkapatid na Yulo, ang iba pang mi­yembro ng national men’s artistic gymnastics team ay sina Juancho Miguel Besana, Justin Ace De Leon at Zachary Cortins Nuñez.

Samantala, pamumunuan ni Paris Olympian Levi Ruivivar ang women’s artistic gymnastics kasama sina Kylee Kvamme, C­hiara Dawn Andrew, Lauren Supnet at Haylee Garcia.

CARLOS YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with