^

PM Sports

Arches Bell kakalembang sa PCSO 2YO Maiden race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puspusan ang paghahanda ng limang batang kaba­yong nagsaad ng paglahok sa magaganap na 2026 PHILRACOM - PCSO “2-Year-Old Maiden Stakes Race I na ilalarga sa Setyembre 6 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Kabilang sa paparada sa pista ang Arches Bell na rerendahan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.

May distansyang 1,200 meter race, makakatagisan ng bilis ng Arches Bell ang Bantayan Island, Le Chic, Samurai Blue at Spruce Angels na gagabayan ni veteran jockey Mark Angelo Alvarez.

Nakalaan ang total guaranteed gross prize na P1.5-M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line kaya paniguradong magandang laban ang masisilayan ng mga karersita kahit lima lamang ang tatakbo.

Ibubulsa ng mananalong kabayo ang P900,000 mapupunta sa pangalawa ang P337,500 habang P187,500 at P75,000 ang third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod sa karerang inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO).

Ayon sa komento ng ibang karerista posibleng magpakitang gilas ang Bantayan Island na gagabayan ni Jomer Estorque at Le Chic na papatungan ng dating PSA-JoY na si John Alvin Guce.

Mag-uuwi rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P75,000, P45,000 at P30,000 ang pangalawa at pangatlo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Balanse ang pagbibigay ng partida sa timbang dahil kakargahin ng colts ang 55kgs. habang 53kgs. naman ang papasanin ng fillies.  

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with