Quarterfinals target ng Gilas Boys
MANILA, Philippines — Ang quarterfinal berth ang target ng Gilas Pilipinas Boys sa pagsagupa sa Syria sa qualification round ng 2026 FIBA U18 Asian Championships sa Veer Savarkar Indoor Stadium sa Ahmedabad. India.
Nakatakda ang crossover knockout game ngayong alas-10:30 ng umaga.
Sa iba pang qualification matches, lalabanan ng Japan ang Qatar, sasagupain ng Bahrain ang Chinese Taipei at maghaharap ang Iran at India.
Pasok na sa quarterfinals ang nagdedepensang Australia, New Zealand, Korea at China.
Tinapos ng Gilas Boys ang Group A bitbit ang 2-1 kartada, habang may 1-2 marka ang Syria sa Group B sa preliminary stage.
Inaasahang sasakyan ng mga Pinoy cagers ang malaking 91-62 panalo sa Thailand sa pagharap sa mga Syrians na nakalasap ng 68-92 kabiguan sa Bahrain sa kanilang huling laban.
Muling aasahan ni Gilas Boys coach Juno Sauler sina Luke Edward Atacador, Elias Troy Gish George Aldan Green, Ethan Aguas at Kenji Moral.
Ang isa sa apat na tiket para sa 2027 FIBA Under 19 World Cup ang paglalabanan sa torneo.
Idaraos ang World Cup sa Pardubice, Czech Republic sa Hunyo 26 hanggang Hulyo 4.
- Latest






















