Sue, dinamayan ng ex!

“Mahal na mahal kita,” sabi ni Sue Ramirez para sa inang si Chit, na pumanaw matapos maospital noong isang taon.
Kinumpirma ni Sue ang pagpanaw ng kanyang ina sa kanyang Instagram page noong Martes, kung saan ipinapakita niya ang isang photo ng kanilang bonding.
Sa sumunod niyang post ay nag-upload siya ng video clip habang nagbibiyahe at malakas ang ulan. “Kasabay kong umiiyak ang langit,” kalakip ng nasabing video sa kanyang Instagram stories.
At kabilang sa mabilis na nakiramay sa pamilya ni Sue ay ang ex-boyfriend niyang si 3rd District Negros Occidental Cong. Javi Benitez. “This is how I will remember Mommy Chit... flowers in her arms, that radiant smile, beautiful and completely herself. Make no mistake, she was not soft.
“She had strong opinions and stronger principles, and she fought for the Filipino worker like it was personal. So when she smiled at you like this, you knew you mattered. I brought her flowers whenever I could. She always gave back more.
“A daughter of Sipalay, Negros Occidental. My deepest condolences and prayers to her loved ones. Salamat sa imo kabuhi nga ginhalad para sa mga mamumugon.
“Pahuway na, Tita,” (Thank you for the life you dedicated to the workers. Rest now, Tita.),” sabi ng dati ring actor na kasama ang solo photo ng mommy ni Sue na may hawak na bouquet of flowers at ang ganda ng ngiti.
Ang mommy ng actress na matagal-tagal ding nakipaglaban sa kanyang karamdaman na si Concepcion “Chit” Dodd ang tunay na pangalan ay Trade Union Congress of the Philippines vice president.
Kabayan Noli, nagpapalakas pa rin
Hindi pa retired si Kabayan Noli de Castro at babalik siya sa TV Patrol kapag tuluyan na siyang gumaling.
Ito ang nilinaw ni ABS-CBN News head Francis Toral sa ABS-CBN Annual Stockholders’ Meeting nitong Aug. 19, kasunod ng mga tanong tungkol sa matagal na pagkawala ng veteran broadcaster sa primetime newscast.
Ayon kay Francis, naka-medical leave pa rin si Kabayan matapos sumailalim sa operasyon noong nakaraang taon. Hinihintay lamang nitong maging fully recovered bago muling humarap sa mga manonood.
Tiyak na magandang balita ito para sa maraming viewers na lumaki sa kanyang pamilyar na pagbati na “Magandang gabi, bayan” at naghihintay sa kanyang pagbabalik.
Habang nagpapagaling si Kabayan, sina Alvin Elchico, Karen Davila at Bernadette Sembrano ang magkakasamang nag-a-anchor ng TV Patrol araw-araw. Katuwang din nila ang iba pang senior journalists ng ABS-CBN sa mahahalagang balita at special coverages.
Kaya malinaw: hindi pa nagpapaalam si Kabayan sa pagbabalita. Nagpapalakas lamang siya para sa inaabangang pagbabalik sa TV Patrol.
Last July ay binantayan ang pagbalik ni Kabayan sa TV Patrol matapos hindi sinasadyang sinabi ni Karen Davila na “Sa Monday, exciting ‘yan ha dahil magbabalik si Kabayan.”
Nalaman lang na hindi sinasadya nang sumagot ang co-anchor niyang si Alvin Elchico ng “Wala na, inanunsyo mo na.”
SONA ang Lunes na tinutukoy ni Karen noon pero walang Kabayan na nagpakita that time.
Baka talagang pinaghahandaan ni Kabayan Noli ang pagbabalik niya sa TV Patrol.
Aga, wala na sa isip ang pulitika
Nag-pop up sa Facebook account ko ang memories 17 years ago nung pumunta kami sa Bicol. That time ay kumakandidato si Aga Muhlach na congressman.
Pero hindi noon nagwagi si Aga. Malaki pa ang nagastos niya.
Literal na nabudol siya.
Ngayon wala na sa bokabularyo ni Aga ang pulitika.
Ang binalikan niya, ang paggawa ng pelikula.
Bida siya sa Metro Manila Film Festival official entry na 2nd Miracle in Cell No. 7, na kabilang sa unang apat na entries sa Pasko.
“Work to start soon!!!! I’ll be ready!! #mmff2026 #Untreated.? stay safe and dry everyone,” sabi ni Aga habang nagba-bike.
Ang payat na niya, na bunga ng kanyang pagba-bike kasama sina Charlene at Andres Muhlach.
Almost two years nang into cycling si Aga at nakakarating sila hanggang sa Aurora, Quezon.
Kaka-57th birthday pa lang ni Aga last July at last May naman ay 25th wedding anniversary nila ni Charlene.
- Latest
























