^

Dr. Love

Hindi na tigasin si ‘manoy’

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Halos 30 years na kaming nagsasama ng misis ko, pero nadismaya ako mismo sa sarili ko. Dahil hindi ko na siya kayang paligayahin sa kama. Kahit anong lambing ang gawin niya ay nahihiya ako sa kanya dahil hindi na tigasin ang manoy ko. Sa pagkapahiya ko ay sa labas na ako ng kuwarto natutulog.

Bata pa naman ako sa edad kong 56 years old ‘di ba? Nahihiya naman akong magpakonsulta sa doktor sa kalagayan kong ito. Kahit maglambing ang misis ko ay hindi ko na magawa ang gusto niya at nag-aalala akong maghanap siya ng iba. Dahil 10 years ang tanda ko sa kanya.

Natatakot din ako na baka hindi na ako gumaling at tuluyan ko nang hindi matugunan ang kanyang pangangailangan.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Juan

 

Dear Juan,

Mabigat ang pinagdadaanan mo, at una sa lahat, hindi ka nag-iisa. Maraming lalaki ang nakakaranas ng ganitong problema sa edad na lampas 50. Ang tawag dito ay erectile dysfunction, at normal itong bahagi ng pagtanda o maaaring dulot ng ibang kondisyon gaya ng altapresyon, diabetes, o maging ng stress at emosyonal na bigat.

Magpakonsulta ka sa doktor. Mas makakabuti kung may propesyonal na makakapagbigay ng tamang paliwanag at lunas. May mga gamot at therapy na makakatulong.

Huwag mong itago ang nararamdaman mo. Ang misis mo ay partner mo, hindi lang sa saya kundi pati sa hirap. Ang bukas na komunikasyon ay makakapagpabawas ng takot na baka maghanap siya ng iba.

Hindi pa huli ang lahat. Sa edad mong 56, bata ka pa para sumuko. Ang erectile dysfunction ay nagagamot at may mga paraan para muling maibalik ang kumpiyansa mo sa sarili at sa inyong relasyon. Huwag mong hayaan na ang hiya ang maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng inyong pagsasama.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with