2 bebot nagpatakas sa 3 holdaper, timbog

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang babae na humarang sa mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station kaya nakatakas ang tatlong lalaking sangkot sa panghoholdap sa Indian national na tumangay ng mga nakolektang pautang, San Mateo, Rizal, Lunes ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Joy, 25; at “Jonalyn”, 23, kapwa residente ng Marikina City, na nahaharap sa reklamong obstruction of justice.
Tinutugis pa ang tatlong sangkot sa panghoholdap na sina alyas “Benjie”, 35; “Tolome”, 26; at “Willy”; pawang residente ng San Mateo, Rizal.
Sa ulat, alas-3:50 ng hapon ng Agosto 17, nang maganap ang panghoholdap sa biktimang si alyas “Singh”, 27, Indian national, sa Upper Purok 2, Buntong Palay, Brgy. Silangan, San Mateo. Hinarang umano ng tatlong lalaki ang biktima habang naniningil ng pautang, at tinutukan ng baril saka kinuha ang nasingil na P13,000.
Sa hot pursuit operation ng pulisya, natunton ang mga suspek sa isang bahay kubo pero dalawang babae ang humadlang sa kanila kung kaya nakatakbo patakas ang tatlong holdaper.
- Latest





















