^

Probinsiya

116 barangay sa Bulacan nalubog sa baha

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
116 barangay sa Bulacan nalubog sa baha
Several backhoes used in flood control project previously visited by President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. are seen in Barangay Bulusan, Calumpit, Bulacan on August 13, 2026.
Michael Varcas / The Philippine STAR

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan, nasa 116 na barangay sa lalawigang ito ang patuloy na nakararanas ng pagbaha. 

Batay sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Agosto 17, naitala na nasa 116 barangay pa sa lalawigan ang nananatiling lubog sa tubig-baha, na may lalim na mula isa hanggang anim na talampakan.

Ayon sa PDRRMO, kabilang sa mga lugar na may mga binahang barangay ang Malolos City na may 41 barangay, Hagonoy na may 25, Paombong na may 14, habang tig-pitong barangay ang naapektuhan sa Bocaue at Guiguinto. May apat na binahang barangay sa Pulilan at Balagtas. 

Sa emergency meeting ng PDRRMC, inirerekomenda ng konseho ang paghahanda ng resolusyon para sa deklarasyon ng state of calamity matapos suriin ang tinatayang P279.49 milyon na pinsala sa agrikultura, pangisdaan, livestock, poultry at imprastraktura.

Ilang lugar na sa lalawigan ang isinailalim na sa state of calamity na kinabibilangan ng Calumpit na nalubog sa baha ang lahat ng 29 nitong barangay, at bayan ng Hagonoy.

FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with