^

Probinsiya

P28 milyon excavator samsam sa illegal mining

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na hydraulic excavator na tinatayang nagkakahalaga ng P28 milyon ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa operas­yon laban sa umano’y illegal mining activities sa Cagayan de Oro City kamakalawa.

Isinagawa ang operasyon sa Sitio Sendong, Brgy. Tumpagon ng mga tauhan ng Police Station 8, katuwang ang Mines and Geosciences Bureau Region X (MGB-10) at mga opisyal ng barangay.

Natagpuan ang mga heavy equipment sa lugar na may bakas ng bagong paghuhukay at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa pagmimina. Wala namang naaresto sa lugar.

Isinailalim sa dokumentasyon at imbentaryo ang apat na excavator at nakatakdang sumailalim sa technical verification at kaukulang disposisyon ng MGB-10 alinsunod sa Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995 at iba pang umiiral na regulasyon.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., patuloy na makikipagtulungan ang PNP sa mga concerned government agency upang matugunan ang mga aktibidad na maaaring makapinsala sa kalikasan at mga komunidad. Bahagi ang operasyon ng pinaigting na police operations sa ilalim ng kanilang Focused Agenda, partikular ang Enhanced Managing Police Operations.

MINING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with