Pinay DH, pinaghimalaan ni St. Charbel (Part 3)
KASAMA ang aking mga amo, nagtungo kami sa chapel na kinalilibingan ni St. Charbel sa Annaya, Lebanon.
Dalawa at kalahating oras kaming namalagi sa kapilya at nakaluhod na nanalangin kay St. Charbel. Hiniling namin ang mabilisang paggaling ng aking inang maysakit sa Pilipinas. Noon natatandaan ko pasado ala-una ng hapon.
Habang nagdarasal ay tumutulo ang aking luha sapagkat ayaw kong may mangyari sa aking ina. Gusto ko pang humaba ang kanyang buhay para magkita pa kami. Hiniling kong bumuti na ang kalagayan ng aking ina at maging malakas na.
“Saint Charbel, alam mo ang aking sitwasyon. Nagmamakaawa ako na pagalingin mo ang aking ina. Gusto ko pa siyang makitang buhay bago siya pumanaw. Hindi ako makakauwi dahil sa mabigat na sitwasyon. Pakinggan mo ako St. Charbel.”
Matapos ang ilang oras na pagdarasal sa kapilya na kinalilibingan ni St. Charbel, ipinasya na naming umuwi sa Lebanon. Malapit nang gumabi noon. Ilang oras pa ang aming lalakbayin pabalik sa Lebanon.
Isang oras makaraan kaming makarating sa bahay, nagulat ako nang biglang tumawag sa telepono ang aking ina. Umiiyak siya.
Hindi ako makapaniwala sa kanyang ipinagtapat.
(Itutuloy)
- Latest
















