^

PSN Showbiz

Bagong title ni Vice, si MVP ang nagbigay!

Anna Pingol - Pilipino Star Ngayon
Bagong title ni Vice, si MVP ang nagbigay!
Vice Ganda at Manny V. Pangilinan

No less than si MVP o ang business mogul na si Manny V. Pangilinan ang nag-coin at nagkorona ng bagong titulo ni Vice Ganda bilang “Queen of All Networks.” 

Ang pagtititulo ay naganap sa ceremonial contract signing between Vice and MVP’s MediaQuest Holdings kamakailan. “You have built an exceptional career with your exceptional talent,” panimulang papuri ni MVP sa kanyang bagong business partner. “On your own, you’ve built a distinctive brand, an audience that is not only nationwide but goes beyond the shores of the Philippines. It’s a career that very few can match. This event completes the elevation of Vice Ganda to the title Queen of All Networks.”

Bukod kasi sa kanyang future show sa TV5, Vice is also being seen on GMA 7 at patuloy pa ring napapanood sa various platforms ng ABS-CBN. Patunay lang na panahon na talaga ngayon ng higanteng collaborations. But still, not all are given the kind of opportunities given to Vice.

“Vice is a very exceptional person, exceptional talent,” patuloy ni MVP nang matanong naman kung bakit sila nakikipag-collab kay Vice on a creative basis at hindi lang on the basis of his pagiging A-list talent.

“We ourselves are excited about what content she could bring to TV5... the partnership is a combination of capabilities that will certainly give a new dimension to not only TV5 but cuts across the group, the various platforms of PLDT and Smart...”

Nabanggit din ni MVP ang Maya at iba pang kumpanya sa ilalim ng malawak na MVP Group of Companies. Hindi lang kasi sa TV5 ang commitment ni Vice at ang kanyang JMV Productions kundi sa iba’t ibang sangay ng businesses ni MVP.

Ani MVP, kailangan pa nilang i-briefing si Vice patungkol sa telcos pero naniniwala siyang kayang isipan ng konsepto ni Vice ang mga ‘yon.

Sa tanong naman kung bakit nila kinuha si Vice at this time, saad ng mogul: “Anytime with Vice is the right time.”

In all these, bitbit ni Vice ang mga katrabaho niya sa ABS-CBN at sa rami ng kanyang commitments sa MediaQuest, malamang ay mabigyan din niya ng trabaho ang mga na-displace na former ABS-CBN employees. Iyon naman daw ang lagi niyang hiling sa mga nakaka-collab niya—na bitbit niya ang mga taga-ABS-CBN at masaya siyang sinusuportahan ito ng mga bago niyang katrabaho. Non-negotiable raw nga kasi ang bagay na ‘yon.

In fact, parang ‘yon nga ang misyon niya ngayon at ‘pag nagdarasal nga raw siya sa gabi, isa lang ang paulit-ulit niyang hiling sa Diyos: “Lord, give me another chance.”

Ke ang karanasan man niya ay pagkakamali, tagumpay, kasiyahan o kalungkutan, another chance at life lang ang hiling niya sa Itaas... chance na makapagsimulang muli, hindi na para sa sarili kundi para sa mas nakararami.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with