Alex pinatalsik ng world No. 10

MANILA, Philippines — Tuluyan nang namaalam sa kontensiyon si Alex Eala matapos yumuko kay Amanda Anisimova ng Amerika, 6-4, 4-6, 2-6, sa third round ng Cincinnati Open kahapon sa Lindner Family Tennis Center P&G Center Court sa Mason, Ohio.
Maganda ang simula ni Eala na nakuha ang 1-0 kalamangan sa set.
Subalit mabilis na nakabangon si Anisimova nang ilatag nito ang solidong laro sa second set para itabla ang laro sa 1-1.
Sa third set, nagawang makuha ni Eala ang 2-0 bentahe.
Ngunit iyon na lamang ang nakayanan nito matapos itarak ni Anisimova ang 6-0 run para makuha ang panalo.
Aminado si Anisimova na hindi ito naging madali para sa kanya dahil alam nitong hindi basta-basta sumusuko si Eala sa bawat laban nito.
“I know Alex is such a great player and such a fighter. I knew it was gonna be a really tough match,” ani Anisimova.
Dominado ng Pinoy fans ang crowd ngunit may ilang grupo ang sumuporta para sa American netter.
Kaya naman nagpasalamat si Anisimova sa mga sumuporta sa kanyang laban.
“There was quite a bit of support for me tonight so I really appreciate that, because I know how loved Alex is. And for good reason. But I really appreciated it because I felt like I needed a pick me up in this match because it’s past my bed time,” ani Anisimova.
Hindi naman uuwing luhaan si Eala dahil nagbulsa ito ng $47,375 o halos P3 milyon.
Sunod na paghahandaan ni Eala ang US Open na aarangkada sa Agosto 30 sa New York.
Siguradong seeded player na si Eala sa main draw ng US Open singles dahil sa mataas na puwesto nito sa WTA rankings.
- Latest
















