^

PM Sports

PLDT naghahanda sa PVL Invitational Conference

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang pagdedepensa sa korona ng Premier Volleyball League (PVL) On Tour ang ginagawang preparasyon ng PLDT para sa darating na pagtatanggol sa 2026 Invitational Conference title.

Sinabi ni head coach Rald Ricafort na malaki ang naitutulong ng preseason tournament sa kanilang paghahanda sa Invitational Conference na lalahukan din ng dalawang foreign teams at nakatakda sa Agosto 31.

“For sure, hindi rin magiging madali i-defend,” ani Ricafort. “I-look forward namin na paghandaan nang maigi para maganda rin ‘yung maipakita namin, hopefully.”

Kasalukuyang magkasalo sa liderato ang High Speed Hitters at ZUS Coffee Thunderbelles sa magkatulad nilang 2-0 record kasunod ang Nxled (2-2), Creamline (1-0), Farm Fresh (1-1), Ga­leries Tower (1-1), Akari (1-2), Choco Mucho (0-3) at Capital1 Solar Energy (0-1).

Magkasunod na tinalo ng High Speed Hitters ang Flying Titans, 25-21, 20-25, 29-27, 25-18, sa Vigan City, Ilocos Sur at ang Chargers, 25-14, 26-24, 21-25, 25-10, sa Tubod, Lanao del Norte.

Ipinagpaliban ang pagtutuos sana ng PLDT at ZUS Coffee sa Santiago City, Isabela dahil sa habagat.

“Ang mindset naman namin, hindi siya i-take na hindi normal na conference,” ani Ricafort sa kanilang kampanya sa PVL On Tour.

“I-count na lang namin na important games para lagi kaming in sync, tsaka in shape at ready na maglaro nang maayos.”

Nagpalakas din ang High Speed Hitters matapos kunin si 6-foot-1 opposite spiker Leila Cruz na nagmula sa Solar Spikers.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with