Ika-8 gold nilundag ni Obiena

MANILA, Philippines — Nilundag ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang kanyang pang-walong gold medal ngayong taon sa paghahari sa Golden Sand 2026 competition sa Mi?dzyzdroje, Poland.
Ipinoste ng World No. 13 ranked na si Obiena ang season-best niyang 5.91 meters para angkinin ang top spot sa podium ng World Athletics Continental Tour event.
Sinapawan ni Obiena para sa bagong meet record sina silver medalist Seifeldin Abdelsalam (5.75) ng Qatar at bronze medal winner Cole Walsh (5.70) ng USA na tinalo si Saudi Arabia’s Hussain Asim Al Hizam (5.70) ng Saudi Arabia via countback.
Ito ang unang pagkakataon na lumampas si Obiena ng 5.90-meter mark matapos sa 2024 Paris Olympic Games.
“I haven’t been up here for some time… 5.91m here in Mi?dzyzdroje for the (gold) and a new meeting record,” ani Obiena sa kanyang Instagram post.
“Thank you very much Golden Sand for having me. Happy to finally be back over a 90 bar.”
Nauna nang nagtala si Obiena ng 5.85m silver-medal finish sa Meeting Madrid sa Spain at 5.83m golden clearance sa Stabhochsprung Meeting sa Jockgrim, Germany kamakailan.
Bago magkampeon sa Mi?dzyzdroje ay nagwagi rin ang 30-anyos na Pinoy pole vaulter sa mga nilahukang event sa Cottbus, Berlin, Halberstadt, Pozna?, Eisenstadt at Tianjin sa Poland at sa Jockgrim, Germany.
Ang kanyang mga podium finishes ay mahalaga para sa pagkolekta ni Obiena ng ranking points sa pagtarget niya ng tiket sa darating na World Athletics Ultimate Championships.
Nakatakda ang bagong biennial and season-ending track and field tournament sa Setyembre 11 hanggang 13 sa National Athletics Centre sa Budapest, Hungary.
- Latest

















