Lastimosa pinuri ni Tenorio

MANILA, Philippines — Isinara ng Magnolia ang unang bahagi ng PBA 50th Season Governors’ Cup sa pamamagitan ng panalo.
Sa likod ng career-high 30 points ni point guard Jerom Lastimosa ay tinalo ng Hotshots ang Phoenix Fuel Masters, 115-101, para sa kanilang ikatlong sunod na ratsada matapos ang 1-3 panimula sa torneo.
Kaya naman pinuri ni coach LA Tenorio ang dating Adamson Falcons star.
“More than his offense, ‘yung depensa niya,” ani Tenorio kay Lastimosa. “Buti nagre-respond siya. Alam ng mga players na siya ang madalas ko pagalitan because I know ‘yung kaya niyang gawin sa team na ito.’
“Sabi ko sa kanya na it’s his responsibility now na matuto siya. May mangyari sa team sa loob ng team o wala, siya ang pagagalitan ko,” dagdag nito.
Tanggap naman ni Lastimosa ang mga sermon ni Tenorio.
“Doon naman tayo matututo. I never take for granted na nagagalit si coach sa akin. It means, may pakialam siya at gusto lang niya ma-improve pa ‘yung,” wika ng Magnolia playmaker.
- Latest



















