^

Police Metro

Krimen sa Metro Manilabumaba ng 59.24%

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ng 59.24% ang krimen sa Metro Manila sa loob ng nakalipas na linggo.

Ang walong focus crimes sa buong Metro Manila mula Agosto 10 hanggang 16, 2026 ay nagtala ng 64 na insidente mula sa  157 insidente sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa kategoryang carnapping ng mga sasak­yan, zero incident o 100%; malaki din ang ibinagsak ng bilang ng theft, rape, physical injuries, homicide, robbery, carnapping ng motorsiklo, at murder.

 Nakapagtala rin ang NCRPO ng pagbuti sa paghawak ng kaso kung saan tumaas ang Crime Solution Efficiency mula 73.25% hanggang 84.38% habang ang Crime Clearance Efficiency ay nasa 87.50%, kumpara sa 100% noong kaparehong panahon noong 2025.

Nakaaresto rin ang mga yunit ng NCRPO ng 277 wanted persons, kabilang ang 107 Most Wanted Persons at 170 Other Wanted Persons.

Binigyang-diin ni NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin na ang patuloy na pagbaba ng krimen ay dapat sabayan ng walang humpay na operasyon.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with