^

Police Metro

Dating Cagayan mayor at misis kulong sa graft

Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan ng anim na taon na pagkabilanggo ang isang dating mayor sa isang bayan sa Tuguegarao City at misis nito nang mapatunayan na guilty sa kasong graft.

Ang mga hinatulan ay si dating Amulung Mayor Nicanor De Leon at misis nitong si Pacita De Leon, matapos mapatunayan ng Sandiganbayan na sila ay lumabag sa maling paggastos sa pondo  ng gobyerno.

Ibinasura ng Supreme Court ang apela ng mag-asawa at pinatotohanan ang ruling ng Sandiganbayan.

Ang kaso ay nagsimula sa mga transactions sangkot ang municipal funds noong kapanahunan ni De Leon bilang mayor.

Ang mag-asawang De Leon ay inilagak na sa New Bilibid Prison at Correctional Institution para pagdusaan ang kanilang sentensiya.

GRAFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with