^

PM Sports

Thailand bugbog sa Gilas Boys

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang matinding 22-0 atake ang inilunsad ng Gilas Pilipinas Boys sa third period patungo sa 91-62 paglampaso sa Thailand papasok sa qualification para sa quarterfinal round ng 2026 FIBA U18 Asian Championships sa Veer Savarkar Indoor Stadium sa Ahmedabad, India.

Kumamada si Luke Edward Atacador ng 16 points tampok ang tatlong three-point shots para sa Nationals, habang may tig-15 markers sina center Elias Troy Gish at guard George Aldan Green.

Bumangon ang Gilas Boys mula sa naunang 69-107 kabiguan sa nagdedepensang Australia (3-0) para itaas ang baraha sa 2-1 sa Group A.

Lugmok ang Thailand sa 0-3 marka para tuluyan nang masibak sa torneo.

Ito ang ikatlong sunod na dominasyon ng mga Pinoy dribblers sa mga Thais matapos ang 98-63 panalo sa group at 85-70 pagdaig sa finals ng nakaraang SEABA qualifier sa Krabi, Thailand.

Kinuha ng Thailand ang halftime lead, 44-40, bago naagaw ng Gilas Boys ang 50-47 abante sa third period.

Ang triple ni Charan Sirisuntorn sa 5:17 minuto ng nasabing yugto ang nagtabla sa Thailand sa 50-50 kasunod ang 22-0 bomba ng Gilas Boys para iposte ang 72-50 kalama­ngan sa pagtatapos nito.

Tuluyan nang ibinaon ng mga Pinoy cagers ang mga Thais sa 87-52 matapos ang dalawang free throws ni Green sa huling 4:22 minuto ng final canto.

Ang top team sa Group A, B, C at D pagkatapos ng preliminary stage ang sasampa sa quarterfinals, habang ang second at third placers ang lalaro sa qualification para sa huling apat na quarterfinal berths.

 

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with