Gilas Women kakasa sa Olympic Pre-Qualifying
MANILA, Philippines — Bubuksan ng Gilas Pilipinas Women ang kampanya sa FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2026 sa pagsagupa sa host Mexico sa Arena Astros sa Guadalajara, Mexico.
Babanderahan nina Jack Animam, Kacey Dela Rosa at Afril Bernardino ang mga Pinay cagers sa pagsagupa sa mga Mexicans ngayong alas-10:30 ng umaga (Manila time).
Kasama ng World No. 30 Pilipinas sa Group B ang No. 31 Mexico, No. 7 Canada at No. 22 Senegal, habang nasa Group A ang No. 23 Argentina, No. 9 Brazil, No. 21 New Zealand at No. 42 South Sudan.
Sasalang ang walong teams sa isang single round-robin eliminations kung saan ang top two teams mula sa dalawang grupo ang papasok sa semis patungo sa finals.
Pag-aagawan sa torneo ang nag-iisang qualifying berth sa 2028 FIBA Women’s Olympic Qualifying Tournaments para sa Olympic Games sa Los Angeles, USA.
Si bagong Canadian coach Burke “BT” Toews ang gagabay sa Gilas Women matapos ang panahon ni Patrick Aquino na coach ngayon ng Blackwater sa PBA.
Iginiya ni Aquino ang Gilas Women sa tatlong SEA Games gold medals, itinaas sa Division A ng FIBA Women’s Asia Cup at tinalo ang Colombia sa nakaraang FIBA Women’s World Cup Qualifying Tournament noong Marso.
- Latest



















