^

PSN Showbiz

CocoJul, itotodo na ang kilig

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
CocoJul, itotodo na ang kilig
Coco Martin at Julia Montes

Walang humpay na kilig at good vibes ang handog nina Coco Martin at Julia Montes sa pagtagpo ng kanilang mga karakter sa mga susunod na episode ng patok na Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.

Ipinasilip ng ABS-CBN at CCM Film Productions sa behind-the-scenes na mga larawan at teaser video ang nakakakilig na muling pagkrus ng landas ng CocoJul, kung saan nilalambing ni Gabo (Coco) si Sam (Julia) habang inaalagan niya ang sugatang dalaga.

Kaabang-abang ang muling pagkikita nina Gabo at Sam dahil pagkatapos ng ilang mga matitinding engkwentro nilang dalawa, tuluyan na nilang papasukin ang mundo ng isa’t isa matapos mapadpad si Sam sa komunidad ni Gabo kasunod ng makapigil-hininga niyang bakbakan laban sa grupo ng sindikato.

Samantala, itotodo na rin ni Gabo ang pakikipagsapalaran sa mga maaksyong laban sa mga susunod niyang misyon upang patumbahin ang mga kriminal.

Tutukan ang aksyon at kilig sa Coco Martin’s Sigabo, gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant.

Samantala, dalawang pelikula ang nakatakdang gawin ni Coco sa TV5 na malapit na raw nitong simulan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with