Coco, Maymay, at iba pa may collab sa TV5?!

Pagkatapos pumirma ni Vice Ganda ng collaboration sa TV 5, may mga nagkakainteres na rin daw na makipag-collab sa Kapatid network.
Totoo bang interesado rin si Coco Martin na gumawa ng content, bukod sa pelikulang ikinomit niya sa MediaQuest?
Nagulat nga ako na ang ibang kilalang artistang sunud-sunod ang ginagawa na drama series sa GMA 7, nasa TV 5 na rin sila ngayon.
May ibang gusto na ring gumawa ng show sa naturang TV network. Kaya ang dami pa nating aabangan sa Kapatid network.
Napangiti nga si Maymay Entrata nang tinanong namin kung magkaka-show din ba siya sa TV 5. Hindi malinaw ang sagot niya, basta meron daw pag-uusap.
Nakatingin pa siya sa manager niya nang sinagot niya kami.
Nakatsikahan kasi namin si Maymay nung nakaraang Sabado sa first anniversary celebration ng VibePlus na ginanap sa MVP Studio.
Pasabog ang production number niya na kung saan bentang-benta pa rin ang Amakabogera niya. Pero bago yan, kinanta ni Maymay ang Masunog Man na alay pala niya iyun sa namayapa niyang ina. “Yung sa nanay ko po, hindi na po mawawala yung sakit na yun.
“Kumbaga, tanggap ko na po na habang buhay akong masasaktan kapag mami-miss ko na po siya. Kaya po binubuhos ko na sa kanta talaga, kagaya nung Masunog Man para sa kanya ‘yun. Isa yun sa paraan yung grief ko para mailabas ko,” saad ni Maymay.
Maganda rin itong ginagawa niya na idinadaan niya sa paglikha ng awitin ang pagdalamhati. “Nag-post ako nung first anniversary niya po…mahigit isang taon na po siya sa langit.
“Nag-post ako ng kanta, imbes na letter kumbaga. Iyun yung bale ine-express yung sakit na yun. May pangalawang kanta pa po na tungkol po sa kanya,” sabi pa nito.
Wala pa raw siyang maisip na title sa second song na ginawa niya para sa kanyang ina. “Wala pa pong title e. Baka puwedeng Daluyan. Kasi may isang line po dun, na daluyan ng luha ko parang kagaya ng sa kanya. Kasi pareho kami ng mata,” sabi pa ni Maymay.
Mabuti na kahit paano ay merong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.
Kahit paano ay napapagaan ng Filipino-American boyfriend niya ang bigat na dinadala niya.
“Super blessed ako e,” bulalas ni Maymay.
“Giver kasi yung dyowa ko po ngayon. Super giver siya ba. Tapos parang hindi ako nasanay na yung pagmamahal na binibigay niya, sobra. Kasi ako yung laging sobrang magmahal,” sabi pa ng Kapamilya actress.
Sa ngayon ay mas nag-focus muna si Maymay sa pagkanta. Pero tuluy-tuloy pa rin daw ang acting workshop at nagte-training pa rin daw siya ng stunts dahil na-enjoy daw niya nang husto ang paga-action na ginawa niya sa Roja.
Ricky Lee, mas mabilis natapos ang bagong libro!
Marami ang nag-abang sa launching ng bagong libro ng National Artist Ricky Lee na Quiapo Ilalim: Pagsusulat ng Iba’t Ibang Daan (Trip to Quiapo 2) na ginanap sa Cinemalaya 22, sa Shangri-la Plaza noong Biyernes, August 14.
Hindi mo nakitaan si Sir Ricky nang pagkapagod sa ilang oras na pagpipirma ng libro. Nagkaroon pa nga ng saglit na brownout, pero tuloy pa rin siya sa pagpirma.
Pawang may pelikula sa Cinemalaya 2026 ang 10 readers ng excerpts, maging ang dalawang host na sina Hershey Neri at Yani Villarosa.
Ang nag-iisang performer ay ang Katutubong Diva na Bayang Barrios, na suki sa mga book launch ni Sir Ricky. Nag-opening remarks ang Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si Paolo Villaluna.
Ang FAP kasi ang co-publisher ng Quiapo Ilalim, at sponsor sa Batch 30 at Batch 31 ng libreng scriptwriting workshop ni Sir Ricky.
Nagkaroon ng ceremonial turnover ng libro para sa CCP at Cinemalaya Foundation, sa pangunguna nina Direk Laurice Guillen at Dennis Marasigan.
Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Sir Ricky sa lahat na naging bahagi ng kanyang book launch.“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi wala akong script.
“Ito na iyung pinakamabilis kong nasulat at na-publish na libro. Dalawang buwang pagsusulat. Dalawang linggo sa printing press. And then lumabas siya the other night. And everyday nag-o-autograph kami ng daan-daang libro doon sa mga umorder online. So anlaki ng pasasalamat ko.
“Actually hindi naman ganun kahirap isulat iyung libro dahil alam na alam ko na iyong nilalaman niya.
“Compilation ito nang lahat ng mga lectures ko. Discussions namin. Exercises sa mga nakaraang workshops ko mula pa noong 1998 when I published Trip to Quiapo, and then ito iyung follow-up.
“Kaya parang refresher na rin itong librong ito para sa mga nag-workshop na sa akin.
“At doon naman sa mga hindi pa nag-workshop, para na rin silang nag-workshop sa librong ito.”
- Latest




















