Chinese national tiklo sa granada, droga at baril
MANILA, Philippines — Dinakip ang isang Chinese national matapos madiskubreng may nakaimbak na granada at ilegal na droga sa isang nirentahang condominium unit, habang baril, droga at patalim naman ang nakumpiska sa isa pa nitong unit sa Makati City noong Sabado ng hapon.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Lin”, 38, na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa mga batas laban sa ilegal na pag-iingat ng eksplosibo, baril, droga at deadly weapons. Dakong alas-4:55 ng hapon noong Agosto 15 nang i-report ng condominium management ang pagkakadiskubre ng isang Mk2 hand grenade sa Unit 403 sa Artemis Place, Brgy. Palanan.
Matapos magsagawa ng rendered safe procedure ang Explosive Ordnance Disposal (EOD) team, nakumpiska rin sa Unit 403 ang isang sachet ng hinihinalang shabu at dalawang ecstasy tablets. Nang matuklasang may isa pang unit na inuupahan ang suspek, agad itong pinuntahan ng mga pulis at doon naabutan si “Lin” kasama ang kanyang 25-anyos na live-in partner.
Nakumpiska naman sa Unit 306 ang isang Springfield .45-caliber pistol, Swiss knife, isang sachet ng hinihinalang shabu at glass pipe na may hinihinalang marijuana residue. Ayon sa pulisya, mayroon ding address ang suspek sa Parañaque City.
- Latest

















