Heart, bumanat sa mayabang at entitled na influencers

May pasabog na naman si Heart Evangelista nang mag-guest sa vodcast ng GMA na Your Honor hosted by Chariz Solomon and Buboy Villar.
Binanggit nito ang influencers na feeling entitled daw at mayabang. Sabi nito, “‘Yung hindi ko ma-take ang ibang influencer kung umasta... Yabang mo, sis! I hate that. Natu-turn off ako.”
Walang binanggit na pangalan si Heart at hindi rin nagbigay ng clues. Pero, ang netizens, may hula na kung sino ang kanyang binanggit. Sila na rin ang nagbigay ng clue na ang tinutukoy ni Heart ay ang influencer na feeling Sex in the City. Mala-Carrie Bradshaw raw ang atake nito at binanggit pa kung taga-saan.
Ang iba naman, ang feeling nila si Mimiyuuuh ang blind item ni Heart dahil naaalala nilang nagka-isyu ang influencer sa naging pahayag tungkol sa clean money.
Ayon pa sa netizens, dapat nagbigay ng clue si Heart kung sino ang mga influencer na ito na ang iba, ginagamit ang pangalan niya para magkaroon ng subscribers. Anyway, sana nga makarating sa mga influencer ang sinabing ito ni Heart para magbago sila.
The fans are loving the new Heart na prank, open, maraming kuwento, at maraming pasabog.
John Lapus, gumanti sa bashers ni Atasha!
Siniguro ni John Lapus na mapapahiya ang bashers ni Atasha Muhlach kapag napanood ito sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical.
Very confident si John nang sabihin ito sa guesting niya sa The Daily Dish sa Bilyonaryo News Channel. “To be honest, to address the issue, it’s not Atasha’s fault. Napakagaling ng bata, opening namin sa Sept. 18, lahat ng bashers ni Atasha mapapahiya kayo once you watch her. Kakainin niyo lahat ng sinabi niyo, lahat ng sinuka niyo lulunukin ninyo uli. Mapapahiya kayo that’s one thing I can assure you,” paniniyak ni John.
Maganda ang reaction ng isang netizen sa sinabing ito ni John. “If I were Atasha, I’d take the bashing as a blessing. Atasha comes from a very sheltered life, a loving family somehow doesn’t give you much to dig deeper about life... and it shows in her... she’s beautiful, talented but somehow something is missing... the bashing is meant to help her do better, to do something about it...
“So the pains from the bashings might help her connect with her inner being... also, what is she trying to impart other than showing off her talent... it is deeper than merely giving the best performance... it is a form of storytelling, and imparting something to captivate her audience... must comes from the heart, the whole of her being.”
Parang tama ang nagsabing bitter ang ibang fans kay Atasha. May nababasa nga kaming comment ng fans ng ibang Viva artists na masama nga ang loob na hindi ang favorite nila ang napili. May mga binanggit silang pangalan ng mga gusto nilang gumanap na Annie Batungbakal, hindi nga lang sila napili.
Gary, balik-museum!
Ang announcement ni Gary Valenciano na “Here we go!!!
“This October, I’m headed BACK to THE MUSEUM
“After everything we’ve shared through the years, I’m excited to return to the stage that carries so many memories, stories, laughter, tears, and moments that have become part of our journey together.”
Magkakaroon ng series of concert si Gary sa Music Museum billed Back at the Museum on Oct. 1, 3, 10, 15, 17, 22, 24, 29, & 31 8:00 p.m. every Thursday and Saturday. Paolo Valenciano will be directing the concert with Mon Faustino as musical director. Sa Ticketworld mabibili ang tiket.
Ayun, marami na ang nag-aabang sa ticket selling na ang pinakamahal ay P10K.
- Latest




















