^

Pang Movies

David, 39th placer sa HYROX Bangkok!

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
David, 39th placer sa HYROX Bangkok!
David Licauco
STAR / File

Tila mas naka-focus na ngayon si David Licauco sa fitness matapos niyang muling tapusin ang isang HYROX race sa Bangkok, Thailand.

Nag-share ang Sparkle GMA Artist Center ng mga litrato ng Kapuso actor mula sa HYROX Bangkok at binati siya sa pagkamit ng oras na 1:08:11.

Lumaban si David sa 1,032 participants at nakakuha ng 39th place overall. Naka-17th place siya sa kanyang age group at 4th sa mga Pilipinong kalahok.

Ibinahagi rin ni David sa Instagram ang video highlights ng kanyang performance sa naturang kumpetisyon. “Be back stronger,” caption pa niya.

Ang HYROX ay isang fitness competition na binubuo ng sunud-sunod na 1-kilometrong takbo at functional exercise, na inuulit ng walong beses.

Last June, naitala ni David ang kanyang pinakamabilis na oras sa HYROX Jakarta na 1:07:38. Nakuha niya ang ika-28 pesto sa kabuuang 1,221 kalahok at ika-9 sa kategoryang Men’s 30-34.

Huling teleserye niya ay Never Say Die na nagtapos noong May pa. Hinahanapan na siya ng bagong show ng kanyang fans, pero mas tutok ito ngayon sa pag-compete sa HYROX.

Karen Bordador, nagbago sa loob ng kulungan

Nag-reflect ang radio DJ at aktres na si Karen Bordador sa mga natutunan niya matapos makulong ng limang taon noong 2016 dahil sa involvement niya sa isang drug-related case.

Pero June 2021, “not guilty” ang naging hatol sa kanya kaya nakalaya na.

Last Aug. 14, nag-share siya kung paano nagbago ‘yung outlook niya sa buhay dahil sa naging experience niya sa loob ng kulungan. “Has it REALLY been 10 years already? August 13, 2016 was the day my whole life turned upside down. I swear, I still remember it like it was yesterday. How is it possible that was TEN years ago?

“Nobody is ever truly ready for moments like that. No matter how careful, how guarded, how “prepared” you think you are... when it’s meant to happen, it will happen. Destiny doesn’t ask permission.”

Ibinahagi rin ni Karen kung paano niya na-survive ang limang taong nakakulong.

“I made meaning out of it, because maybe this is what God wanted me to talk about: the life behind bars, second chances, and the kind of situations inside that barely ever get spoken about.

“And then there were the other gifts too—the pathways that allowed me to start again, rebuild, and come back stronger—so that people with the same situation could find their way back too.”

Thankful si Karen na meron siyang safe space para patuloy na makapag-share ng life experience niya. “Because if you’re in a negative circumstance right now… I promise you: you’re not just enduring. You might be becoming. And now that it’s been 10 years… I can say it loud: THAT SEASON DIDN’T DEFINE ME— IT REFINED ME.”

Hollywood comedian, guilty sa DUI

Naayos ng Hollywood comedian na si Tiffany Haddish ang kanyang 2022 DUI o driving under the influence case nang hindi na humantong sa full trial, sa pamamagitan ng pag-plead ng guilty sa Georgia court via Zoom.

Inamin ng aktres ang isang count ng “DUI driving less safe.” Nang kumpirmahin ng hukom kung tinatanggap niya ang kasunduan, sumagot siya ng, “Sure, yes.”

Ipinataw sa comedian ang 12-month probation at 24 hours na pagkakakulong. Bukod dito, kailangan niyang kumpletuhin ang 40 hours ng community service sa L.A. District Attorney’s Office at nasuspinde ang kanyang driver’s license sa Georgia.

Kabilang din sa mga kondisyon ang pagbabawal sa alak at droga, regular na drug testing, substance abuse evaluation at pagdalo sa DUI education course.

January 2022 nang maaresto si Tiffany sa Peachtree City noong matagpuan siyang tulog sa loob ng sasakyan sa isang intersection. Ayon sa arresting officer, bigong maipasa ng aktres ang “walking and standing field sobriety tests.”

Sumikat siya sa comedy films na Girls Trip, Night School, Like A Boss at Haunted Heist. Nanalo siya ng Primetime Emmy Award para sa Saturday Night Live.

DAVID LICAUCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with