Kelot inutas ng kainuman
MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang isang lalaki nang ito ay saksakin ng kanyang kainuman sa gitna ng kanilang pagtatalo saTanay, Rizal, nitong Sabado.
Kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Edwin”, habang tinutugis pa ang suspek na si alyas “Marlon”.
Sa ulat, alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sitio Tarangkahan, Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal.
Habang nag-iinuman ang dalawa pasado alas-10:00 nang magsimula ang mainitang pagtatalo ng dalawa, hanggang sa mauwi sa suntukan at pananaksak ng suspek.
- Latest
















