^

Pang Movies

Ex-loveteam, tumanggi sa reunion project!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Binalak daw pagsamahin sa isang project ang isang dating magka-loveteam na nagkaroon din ng relasyon.

Naghiwalay nga lang ang dalawa dahil mas mataas ang gustong matupad ng babae kaya kumalas sa loveteam at sumubok sa ibang bansa para hanapin ang kapalaran!

Hindi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa at nagkanya-kanya ng career kahit may fan base silang patuloy na umaasam na magkakasama muli sila sa isang project.

Pero ayon sa aming source, bigo raw ang gustong pagsamahin muli ang dating magka-loveteam. Dagdag pa ni source, ayaw raw ng babaeng magkaroon ng reunion project ang dating ka-loveteam.

Lingid sa kaalaman ni gurl, mas lalong ayaw rin ni boy na magsama silang muli.

Feeling ng gustong pagsamahin muli ang dalawa, may bad blood na nangyari between the two bago lumayas ng bansa si aktres!

Viva Hot Babes, manggigising sa reunion concert!

MAGSASABOG muli ng kakikayan ang Viva Hot Babes sa kanilang reunion concert na gaganapin sa Oct. 23 sa New Frontier Theater!

Titled Bulaklak: Viva Hot Babes Reunion Concert, gigisingin ng sexy babes ang natutulog na kalamnan ng mga kalalakihan! At kikilitiin nila ang mga imahinasyon nito!

Of course, ang hit song na Bulaklak ang nagmarka sa pagkendeng at pagbuka-bukaka ng Viva Hot Babes na talaga namang tumatak at nagustuhan ng publiko.

Ilan sa kasama sa reunion concert ay sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Ella V, Jennifer Lee at marami pang iba.

Isa ang Viva Hot Babes sa sexy all-female groups na talaga namang nagustuhan at pinagpantasyahan ng mga kalalakihan bago pa man duma­ting ang VMX Babes!

Maaari na kayong mag-secure ng tickets simula sa Aug. 29 at amuy-amoyin muli ang bulaklak ng Viva Hot Babes concert na si GB Sampedro ang director.

Humanda sa sabay-sabay na pagkanta ng, “Bubuka ang bulaklak, bubuka ang bulaklak, papasok ang Reyna!”

Tama na lyrics namin, Salve A.?

(Hahaha. Naman, Tito. – Salve A.)

HOT BABES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with