^

Police Metro

Mga Pinoy nireresbakan ng China - Teodoro

Joy Cantos - Pang-masa
Mga Pinoy nireresbakan ng China - Teodoro
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na sinabing ang huling banta ng China ay hindi lamang laban sa kaniya kundi sa lahat ng mga Pinoy bilang pagresbak ng China.
AFP / Jam Sta Rosa

Sa pag-aresto sa mga Chinese

MANILA, Philippines — Nireresbakan umano ng pamahalaan ng China ang mga Pilipino kaugnay ng kaniyang paninindigan sa isyu ng soberenya at integridad ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) gayundin sa pagbatikos sa harassment maging sa pambu-bully ng Chinese Coast Guard  sa mga Pilipino sa pinag-aagawang teritoryo.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na sinabing ang huling banta ng China ay hindi lamang laban sa kaniya kundi sa lahat ng mga Pinoy bilang pagresbak ng China.

Una nang inalmahan ni Teodoro ang pag-aresto ng China noong Agosto 10 sa mahigit sa 100 overseas Filipino Workers (OFWs) doon na umano’y mga illegal na manggagawa at mga overstaying na iginiit ng Kalihim na extortion at blackmail.

Ayon kay Teodoro, ginagawa ito ng Beijing laban sa mga Pilipino upang ma-pressure ang pamahalaan sa isinagawa nitong law enforcement operations laban naman sa mga Chinese nationals na nasakote sa raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang illegal steel manufacturing facility sa Tagoloan, ­Misamis Oriental kung saan 69 Chinese at isang Pinoy ang nasakote kamakailan.

Nitong Agosto 13, 10 Chinese na incorporators ng steel manufacturing company ang dinakip din sa joint search warrant operation ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), NBI, Philippine Coast Guard, at Philippine Army kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, sa isang bodega ng pagawaan ng bakal sa Bunawan, Davao City na nagresulta sa pagsagip sa 174 na manggawa na lantad diumano sa radioactive materials.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with